MANILA, Philippines- Umapela si Pope Francis para sa humanitarian organizations na mabigyan ng access sa mga lugar na tinamaan ng nakamamatay na cylone na tumama sa bahagi ng Myanmar at Bangladesh dalawang linggo na ang nakararaan.
“I appeal to those responsible to facilitate the access of humanitarian aid,” sabi ni Francis sa pagtatapos ng kanyang Angelus prayer sa Vatican.
“And I appeal to the sense of human solidarity and ecclesial solidarity to come to the aid of these brothers and sisters of ours,” dagdag pa ni niya.
Ang Bagyong Mocha ay nagdala ng malakas na ulan at hangin na 195 kilometro (120 milya) bawat oras sa Myanmar at karatig-bansang Bangladesh noong Mayo 14, na nagpatumba sa mga gusali at ginawang mga ilog ang mga lansangan.
Nanawagan ang United Nations noong Miyerkules sa mga pinunong militar ng Myanmarna magbukas at tiyaking makararating ang tulong para sa mga nangangailangan nito.
Sinasabing nasa 800,000 katao sa Myanmar ang nangangailangan ng emergency food aid at iba pang assistance.
Idineklara ng junta ng Myanmar na natural disater ang estado ng Rakhine matapos ang bagyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden