VATICAN CITY – Hiniling ni Pope Francis kay Cardinal Matteo Zuppi, pinuno ng Italian bishops’ conference, na pamunuan ang isang misyong pangkapayapaan upang subukan at itigil ang digmaan sa Ukraine, sinabi ng Vatican noong Sabado.
Ang kahilingan kay Zuppi na mapagaan ang tensyon sa tunaggalian sa Ukraine sa pag-asa na kailangan hindi binitawan ni Pope Francis ,na ito ay magakapgsimula ng landas para sa kapayapaan, sabi ni Matteo Bruni, ang tavapagsalita ng Vatican.
Nahalal na pinuno ng Italian Episcopal Conference noong nakaraang taon si Zuppi, 67, at nagmula sa Sant’Egidio Catholic Community, na dalubhasa sa diplomasya at mga pagsisikap sa kapayapaan.
Ang pahayag ng Vatican ay kasunod nang makipagpulong ng pinuno ng G7 sa Japan kay Pangulong Zelensky at muling nabuhay ang kanilang suporta para sa Ukraine, na sinalakay ng Russia noong Pebrero 2022. Jocelyn Tabangcura-Domenden