Home ENTERTAINMENT Pops, ok lsa pagiging tigang!

Pops, ok lsa pagiging tigang!

Manila, Philippines – Mukhang kinasanayan na ni Pops Fernandez ang kawalan ng mangingibig.

Kaya sa darating daw na Araw ng mga Puso, the Concert Queen won’t exactly be lonely.

Loveless as she has been for years, sila-sila raw ng mga kaibigan niyang babae ang magkakasama tuwing sasapit ang Valentine’s Day.

Usapan daw nila ng kanyang mga girlfriends, bawal ang pumalya sa araw na ‘yon nang hindi sila sama-sama.

Ani Pops, hindi naman daw siya naghahanap ng bagong lalaking mahalin.

When she was much younger daw ay aminadong mapaghanap siya.

But things have changed daw sa paglipas ng panahon.

Kung dumating daw isang araw ang lalaking itinadhana para sa kanya, well and good.

Katuwang sa buhay hanggang sa tumanda ang goal ni Pops.

She imagines traveling with that guy kung sinuman ‘yon, simply enjoying their time together.

Samantala, hindi pa gaanong nagsi-sink in kay Pops na isa na siyang ganap na lola.

May anak na si Robin, ang panganay nila ni Martin Nievera.

Medyo “makasarili” lang si Pops nang aminin niyang sana raw ay makuha ng kanyang apo ang halos lahat ng mga katangian niya.

Ronnie Carrasco III

Previous articleJoey Paras, nagparamdam kay Lovely!
Next articlePaolo, happy sa rami ng commercials ng TP!