Home OPINION POPULARIDAD NI SONNY TRILLANES HUMULAS NA

POPULARIDAD NI SONNY TRILLANES HUMULAS NA

KAILAN lang nang magsadya tayo sa mga voting precinct pero sa bilis nang pag-inog ng mundo, halos ‘di natin namamala­yan na ilang idlip lang pala ay election na naman.

Ang nagsusulputang senatorial surveys ay senyales na ang halalan “is just around the corner’, ika nga ng mga political expert kaugnay sa balita ng mga traditional news platform at social media.

Maaga pang pag-usapan ang halalan pero ‘di maiiwasan na ngayon pa lamang ay atat na ang mga botante kung sino ang lea­ding senatoriables na maaring magwagi sa May 2025 election.

Sa latest research ng OCTA, nanguna si ÀCT-CIS Rep. Erwin Tulfo (73%). Walang bagong mukha kundi mga dating senador ang bumubuo sa magic 12 ng naturang survey.

Si Tulfo rin ang number 1 (63.8%) sa resulta ng June survey ng Research firm Tangere samantalang sa August survey ay si dating Pangulong Rodrigo Duterte (61%) ang manguna, sinundan ni Tulfo (58%).

Sa nasabi pa ring Tangere survey, ang nakasama sa top 12 ay mga dati ring mukha na kilalalang ex-senators maliban sa mga dating senador na sina Franklin Drilon, Kiko Pangalinan at Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV.

Napag-uusapan na rin ang pulitika, lumalabas ang litrato ni Trillanes na may caption: “The next Mayor of Caloocan” sa social media pero wala tayong naririnig na confirmation mula sa dating Magdalo lea­der.

Talunang malayong number 21 sa nakaraang May 2022 election dahil humulas na ang popularidad, kung interesado si Trillanes na subukan ang pulitika sa lokal, ito kaya’y pag-amin na zero tsansa na siya sa national position.

At kung talagang tatalikuran na ang mithiing muling maging senador dahil sa lagapak na survey rating, bilang dating sundalo, alam ni Trillanes na hindi ‘walk in the park’ ang susuunging Caloocan politics para marating ang pangarap.

Marami ang nagtangka pero walang nagtagumpay dahil patok sa mga Batang Kankaloo ang ‘Aksyon at Malasakit’ na iginagawad ni Mayor Along Malapitan at ‘Tao ang Una’ na masugid na pinaiiral ni Rep. Oca Malapitan sa mga kababayan.

Previous articlePROBLEMANG MAKATI-TAGUIG, HANGGANG KAILAN?
Next articleLEGASIYA NG MANILA BAY