Home NATIONWIDE Posibleng paggamit ng nuclear energy sa Pinas nirerepaso na

Posibleng paggamit ng nuclear energy sa Pinas nirerepaso na

275
0

MANILA, Philippines – KASALUKUYAN nang nirerepaso ng interagency task force ang viability ng nuclear power bilang alternative source para matugunan ang energy demand ng bansa.

Ayon kay Department of Energy (DOE)  Undersecretary Alessandro Sales, masusi nang pinag-aaralan ng Nuclear Energy Program Inter-Agency Committee (NEP-IAC) ang plano na gamitin ang nuclear energy.

“We are studying it and hopefully, babalik tayo doon sa situation na charting our course depende sa situation which potentially becomes part of the energy needs of the Philippines in the future,” ani Sales.

Sa kabila ng kinikilala nito ang nuclear energy bilang  “one of the technologies that can react fast to the variability of renewable energy”, tinuran ni Sales na hindi pa nakakagawa ng balangkas ang bansa ng regulatory framework na gagamitin bilang  alternative power source.

Ani Sales, nananatiling bukas ang bansa sa ideya ng paggamit ng  nuclear energy para tugunan ang problema sa enerhiya.
“Of course, mayroong ginagawang maraming pag-aaral tungkol dito… Open ang nuclear option para sa atin . Meaning to say, there are many kinds of nuclear technologies [available],” aniya pa rin.

Sa susunod na linggo ay nakatakda namang magdaos ng pagpupulong ang NEP-IAC Steering Committee.

Advertisement

SA ulat, kinukusidera ngayon ni Pangulong Marcos na maginvest sa “cutting-edge” micro nuclear fuel technology bilang bahagi sa hakbang ng gobyerno na tugunan at masolusyunan ang powers crisis sa bansa.

Ito’y matapos makipag pulong ang chief executive sa sa mga matataas na opisyal ng Ultra Safe Nuclear Corporation, isang US-based firm global leader and vertical integrator ng nuclear technologies and services.

Sa pulong sa Washington, sinabi ni Francesco Venneri, CEO ng Ultra Safe Nuclear Corporation, na kanilang kinukunsidera ang magtayo ng facilities sa Southeast Asia partikular sa Pilipinas na magdadala ng clean and reliable nuclear energy sa bansa.

Ayon kay Venneri nais nilang makatulong sa problema ng blackouts sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Ang micro modular reactor (MMR) energy system ay isang fourth generation nuclear energy system nagdi deliver ng safe, clean, and cost-effective electricity sa mga users. RNT

Previous articleIraq hangad na mapabuti ang ugnayan sa Pinas
Next articleBI, travel agencies sanib-pwersa vs human trafficking

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here