MANILA, Philippines – Naaresto ng pulisya ang isa sa posibleng suspek sa pagpatay sa radio anchor na si Juan “DJ Johnny Walker” Jumalon sa ikinasang buy-bust operation.
Ayon sa ulat, ang nahuling suspek ay suspek din sa pagpatay sa isang municipal engineer noong Oktubre 2023.
Batay sa police examinations, pinaniniwalaang sangkot ang suspek sa pagpatay kay Jumalon dahil tumugma ang casing na narekober sa pamamaril sa engineer sa nakuha naman sa pagpatay kay Jumalon.
Sinabi ni Philippine National Police Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, na ang naturang suspek ay posibleng isa sa dalawang hindi pa tukoy na mga suspek sa kaso ni Jumalon na nagsilbing lookout sa pamamaril. RNT/JGC