Home NATIONWIDE Posisyon ng Pinas sa ICC ‘di pa rin nagbabago – DOJ

Posisyon ng Pinas sa ICC ‘di pa rin nagbabago – DOJ

MANILA, Philippines – Hindi pa rin magbabago ang paninindigan ni Pangulong Marcos laban sa nais ng International Criminal Court (ICC) na imbestigahan ang anti-drug campign nbi dating Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Crispin Remulla sa gitna ng pagkakaroon na umano ng lamat sa relasyon ng mga Marcos at Duterte.

Inihayag ni Remulla na hindi magbabago ang polisiya ng pamahalaan na walang karapatan ang ICC na manghimasok sa internal affairs ng Pilipinas.

Sa mga nakalipas na araw ay binabanatan ni Duterte si Pangulong Marcos at inakusahan pa na isang drug user.

Sa kabila ng nga pag-atake ng dating Pangulo, iginiit ni Remulla na mananatili ang posisyon ng gobyerno na hindi makikipagtulungan sa ICC dahil hindi na miyembro ang bansa sa naturang international court.

Una nang sinabi ni dating senador Antonio Trillanes IV na tinapos na ng ICC ang imbestigasyon nito laban kay Duterte at sa iba pang inaakusahan na sangkot sa crimes against humanity.

Anumang araw umano ay maglalabas ang ICC ng arrest warrants.

Hindi naman makumpirma ng mga otoridad na may mga taga ICC ang dumating sa bansa upang mag-imbestiga.

Ayon kay Remulla walang kinatawan mula sa ICC ang nakipag-ugnayan sa kanila. Wala rin rekord ang Bureau of Immigration na may mga dumating sa bansa na tauhan ng ICC. Teresa Tavares

Previous articleBIR: Vape distributor na may P1.2-B tax raps pinaaaresto ng korte
Next articleDOH: Gluta pang-kanser, ‘di pampaputi