Ito ang pagbati na pinaabot ni ACT CIS Partylist nominee Erwin Tulfo kay Bataan Rep Geraldine Roman dahil sa kanyang naging posisyon sa kontrobersiyal na drag performance ni Pura Luka Vega.
“Thank you Cong. Geraldine Roman. May God bless you always,” nakasaad sa Facebook post ni Tulfo matapos nitong ikatuwa na hindi kumampi si Roman, bagamat isang transgender, sa opensibang performance ni Vega sa Drag Philippines kung saan nakasuot ng damit kagaya ni Jesus Christ ay kinanta ang rock version ng Catholic song na Ama Namin.
Sa kanyang pahayag sinabi ni Roman na hindi maaring gamitin ang Sogie Equality Bill upang i-justify o pawalang sala ang pilit na pagpapahubad ng ibang tao sa isang bar, ang violence, ang paglaban sa autoridad o ang isang walang-galang na drag performance na lumalapastangan sa mga bagay na sagrado.
“Paalala din po sa mga miyembro ng LGBT+ Community, always remember that each and everyone of us carries the rainbow flag so dapat let us always do good,” pahayag ni Roman.
Si Roman ay ang kauna unahang transgender solon at sya ding Chairman ng House Committee on Women and Gender Equality. Gail Mendoza