MANILA, Philippines – Bumaba pa sa 2.7% ang positivity rate sa COVID-19 sa National Capital Region (NCR), mas mababa sa 3.3% na naitala noong nagdaang linggo, iniulat ni OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David said nitong Lunes, Hulyo 31.
“Low positivity rates (were) measured in Bulacan (3.2 percent), Cavite, (3.8 percent from last week’s 17.6 percent), La Union, (3.2 percent), Pampanga (4.5 percent), Quezon (2.4 percent) and Rizal (2.1 percent),” sinabi ni David sa isang tweet.
“Upticks observed in Batangas, Isabela, Tarlac, Zambales,” dagdag niya.
Nakapagtala rin ng pagbaba sa positivity rate ang ilang probinsya katulad ng Bataan, Benguet, Cagayan, Camarines Sur, La Union, Laguna, Oriental Mindoro, Palawan, Pampanga, Pangasinan, Quezon at Rizal.
Hanggang nitong Hulyo 30, naitala ang 167 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa na nagdala sa overall tally na 4,172,920 at aktibong kaso na 4,427. RNT/JGC