#PostQuarantineGoal: Staycation sa NaNo Feriejo ng Cavite? Tara G!

#PostQuarantineGoal: Staycation sa NaNo Feriejo ng Cavite? Tara G!

April 4, 2020 @ 5:28 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Maraming plano at gala na ba ang naudlot dulot ng Luzon-wide quarantine?

Goodbye Manila muna tayo at say hello to Cavite!

Patunay lamang ang init ng panahon na talaga namang summer feels na!

Kung ang hanap mo ay swak sa budget na pang-unwind at makakapag-enjoy mapa-solo gaming man, magjowa, o hindi kaya ay buong pamilya, NaNo Feriejo is the key!

Binuksan ang NaNo Feriejo noon pang March 2018.

Nagsimula lamang ito sa couple hut room at tumatanggap lamang ng mga guest tuwig weekends.

Hanggang sa mapalago ito dahil sa mas dumaraming nagpupunta.

Akalain mong hindi rin ito pinapalampas ng mga balikbayan para pasyalan.

Sino ba naman ang hindi mahihikayat mag-check in dito dahil sa bukod mura na ang rate, tahimik at makakukuha ka pa ng peace of mind sa awra ng lugar.

Sa halagang P1,500, makakapag-stay ka na sa kanilang hutroom na may libre pang almusal for two!
Check in: 2 P.M. Check out: 12:00 NN

 

Kung balikbayan o traveler’s room naman ang iyong gusto, panapat na ang P1,800 mo at may libre rin itong almusal for two!

 

Kung mas malaking kwarto naman ang nais, swak na swak rito ang quadroom! Kung kayo ay couple, sulit na ang inyong bonding sa halagang P1900 pero kung double date ang inyong peg, madaling ambagan na para sa P2,800.

At siyempre, kalakip pa rin nito ang libreng almusal.
Check in: 2 P.M. Check out: 12 NN

 

Kaya habang naka-quarantine, mainam na rin na i-ready ang inyong summer outfit para sa Instagram pictures dahil pak na pak din ang mag-swim sa cute size nilang pool!

May lalim itong 3 ft hanggang 5 ft, may lawak na dalawang metro at pitong metro ang haba.

Off na muna tayo sa social distancing and yes for getting closer naman!

Mayroon lamang ilang paalala na dapat sundin sa oras na pumasok ka sa kanilang pasilidad.

1. Hindi maaari ang anumang alagang hayop.

2. Inaabisuhan ang lahat na magdala ng insect repellent lotion dahil na rin banta ng lamok dulot ng mga puno at halamang nakapaligid dito.

3. Kung nanaisin naman na magpapalit ng bedsheets o beddings, mayroon itong karagdagang bayad.

4. Dahil sa barangay friendly ang resort, bawal ang wild party. Tumutugon din ang pamunuan sa quiet time sa ganap na ika-10 ng gabi hanggang ika-6 ng umaga.

Pero siyempre, hindi naman hahadlangan ng cozy place na ito ang inyong kasiyahan.

Pwedeng ituloy ang party party sa loob ng inyong kwarto ngunit, panatilihin pa rin ang disiplina at katamtamang ingay.

Sino bang may sabing hindi na uso ang libre? Dahil dito libre ang:

  • Parking Space
  • Shampoo
  • Body Wash
  • Rice Cooker (Dirty Kitchen)
  • Microwave (Dirty Kitchen)
  • Mini Refrigerator
  • Minireal Water
  • Utensils
  • Dishwashing Liquid
  • Dirty Kitchen – magdala ng sariling mantika at condiments
  • Griller – magdala ng sariling uling

Saan ito matatagpuan? Bes, easy as 1,2,3 lang ito!

Kung magmumula sa PITX, sumakay lamang ng bus na may biyaheng Ternate o Naic at bumaba sa Putol, Kawit, Cavite. Sa tabi lamang ito ng Jardin De La Vida.

Ano pa ang hinihintay, simulan na ang maligayang pagkukulay oras na makaraos sa krisis ng COVID-19! Remate News Team/FGDC

Share

Leave a Reply

Loading...