Home NATIONWIDE Poultry imports mula California, Ohio ipinagbawal sa Pilipinas

Poultry imports mula California, Ohio ipinagbawal sa Pilipinas

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Agriculture na ipinagbawal nila ang pag-aangkat ng domesticated at wild birds, kabilang ang poultry meat at mga itlog mula sa California at Ohio sa Estados Unidos dahil sa naitalang mga outbreak doon ng avian influenza.

Saad sa Memorandum Order No. 03 na pinirmahan nitong Enero 15, sakop ng temporary importation ban ang domestic at wild birds at mga produkto nito, kabilang ang poultry meat, day-old chicks, mga itlog at semen.

Agad na sinuspinde ng DA ang pagproseso, evaluation ng aplikasyon, at pagbibigay ng sanitary at phytosanitary import clearance para sa poultry imports na nagmumula sa California at Ohio.

Sa kabila nito, hindi sakop ng ban ang mga kargamento na “in transit, loaded or accepted” sa mga pantalan basta’t ito ay kinatay o na-produce 14 araw bago naitala ang unang avian flu outbreak sa California noong Nobyembre 20, 2023, at unang outbreak sa Ohio noong Nobyembre 21, 2023.

Ang kautusan ng ahensya ay kasunod ng balita ng mga awtoridad sa Amerika sa World Organization for Animal Health na nakapagtala na sila ng ilang outbreak ng highly pathogenic avian influenza (HPAI) subtype H5N1 na nakaaapekto sa domestic birds. RNT/JGC

Previous articlePBBM pinag-iingat ni Pimentel sa banta ng China
Next article2 patay, 2 sugatan sa road crash sa Cebu