MANILA, Philippines – Umaabot na sa P300 bilyon ang nailalabas ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) para sa pagpapaganda ng state-owned power grid mula nang maigawad sa kanila ang operasyon at pamamahala nito noong 2009.
“We continue to be hopeful that improvements in all three sectors of the power delivery system are in sync with each other, so that one sector is not made to be the sole or principal solution to challenges in the other sectors,” pahayag ng NGCP.
Ang tinutukoy nito ay ang tatlong power sector na mahalaga upang masiguro ang suplay ng kuryente sa bansa, ang generation, transmission at distribution.
Dagdag pa ng NGCP, nakakumpleto ito ng 56 proyekto sa loob ng 14 na taon mula nang hawakan nito ang “aging transmission system,” ng pamahalaan, kabilang ang P52-billion Mindanao-Visayas Interconnection Project na kamakailan ay nagsimula na sa partial operations.
Ang pahayag na ito ay kasunod ng pagkabahala ng mga senador sa kaugnayan ng China sa power transmission business.
Matatandaang sinabi rin ni Senador JV Ejercito na dapat gawin ng pamahalaan ang lahat ng legal na hakbang para magkaroon ng full Filipino control sa energy transmission system.
Advertisement