Home NATIONWIDE Powerbank sumabog sa cabin; eroplano nag-emergency landing

Powerbank sumabog sa cabin; eroplano nag-emergency landing

MANILA, Philippines – Sumabog ang isang powerbank ng isang pasahero na nakalagay sa cabin ng eroplano na nagtulak para mag-emergency landing ang commercial plane.

Naganap ang insidente sa isang flight mula Boracay patungong Shanghai kung saan nilamon ng usok ang harapang bahagi ng eroplano.

Dali-dali namang pumunta sa likurang bahagi ang mga pasahero.

Sa kabila nito, wala namang nasaktan, at nag-emergency landing ang eroplano sa Hongkong.

Ipinahiwatig ng security expert na si Bong Oteyza na mahalaga ang mga regulasyon sa mga powerbank sa mga eroplano dahil maaari itong mag-overheat at magdulot ng sunog. RNT

Previous articleTsina may pinakamalalang sinira sa South China Sea ecology – Think-tank
Next articlePaggamit ng inflatable pools iwasan muna – Task Force El NiƱo