Home NATIONWIDE PPA kinwestyon ng COA sa mamahaling cellphones, unregistered vehicles

PPA kinwestyon ng COA sa mamahaling cellphones, unregistered vehicles

275
0

MANILA, Philippines – Kinuwestyon ng Commission on Audit (COA) ang patuloy na paggastos ng Philippine Ports Authority (PPA) ng P18 milyong halaga ng office equipment, furniture, computers, computer software at mga mamahaling electronic gadgets.

Ayon sa COA, mula taon 2021 hanggang 2022 ay napalaki ang gastos ng PPA sa pagbili ng mga desktop computers, laptops, printers, scanners, projectors, hard drives, cameras, speakers, drones at iba pang semi-expendable items.

Nasita o nabigyan din ng babala ng COA ang 19 contracts na iginawad nitong nakaraang taon kabilang ang mga high-end model at brand ng cellphones at tablets.

Lumabas din sa COA audit report na mayroon ang PPA na 166 unregistered motor vehicles na nagkakahalaga ng P219.847 milyon.

Ang mga sasakyang ito ay walang government plates o official markings.

Iginiit ng COA na bigo ang PPA na sumunod sa requirement na ang lahat ng government-owned motor vehicles ay kailangan irehistro sa pangalan ng ahensya. Kailangan din ikabit ang marking na “For Official Use Only” at gumamit ng red-lettered government license plates.

Babala ng COA, ang pagkakaroon ng mga unmarked vehicles ay maaaring magresulta ng hindi otorisadong pagamit ng mga government vehicle. Teresa Tavares

Previous articleKontrobersya sa branding campaign ng DOT pinaiimbestigahan sa Kamara
Next articleBeking scammer sa Facebook nadakma sa Bulacan entrapment ops

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here