MANILA, Philippines- Inihayag ng Philippine Ports Authority (PPA) na pumalo na sa 70% ang completion rate ng pantalan sa Marawi na minsan nang nasira dahil sa kaguluhan.
Ayon kay PPA spokesperson Eurice Samonte, malapit nang buksan at muling magamit ng publiko ang pantalan sa unang buwan ng 2024.
Kabilang sa Phase 1 project ng PPA sa Task Force Bangon Marawi ay ang rehabilitasyon ng port facilities at cold storage facilities katuwang ang Department of Public Works and Highways at Marawi local government unit.
Bukod dito, may inilaan ang PPA na access road mula sa pantalan patungong mosque at pamilihan para sa mga residente at mga mangingisda.
Bahagi ang anunsyo ng PPA ng pakikiisa nito sa panunumbalik ng Marawi City.
Ayon kay Samonte, magiging fully operational ang pantalan sa October 2024 na kasabay ng anibersaryo ng Marawi liberation. Jocelyn Tabangcura-Domenden