Home ENTERTAINMENT PPOP RISE: YGIG songs at ang kwento ng buhay mo!

PPOP RISE: YGIG songs at ang kwento ng buhay mo!

Biyernes ng gabi at naghahanap ka ng perfect na song na ilalagay sa Spotify playlist mo. Yung tipo ng mga awitin na makaka-relate ka at magbabalik sayo ng alaala ng iba’t ibang phases ng buhay mo.

Perfect ang mga songs ng YGIG for your listening pleasure!

Sa panayam ng REMATE ONLINE sa P-pop girl group na YGIG, ikinwento ng mga miyembrong sina Alexei, Maeg, Jewel, Hazelyn at Vien ang kwento sa likod ng kanilang mga awitin.

SHABA SHABA

Una rito ay ang kanilang debut song na SHABA SHABA. Perfect ang song na ito para sa mga palaban at hindi basta-basta sumusuko.

Ang “Shaba Shaba” ay word play ng tanong na, “Siya ba? Siya ba?” na patungkol sa isang babae na mayroong dream guy na gusto niyang makaharap makasama.

Sa kabila ng kwento ng upbeat dance song na ito, tinawag din ng YGIG members ang awiting ito bilang “song about never giving up.” Ito ay katulad ng paghabol mo sa iyong pangarap na sa una ay hindi madali ngunit ipagpatuloy mo lang ang never give up!

DOOB DOOB

Next on our playlist ay ang awitin nilang DOOB DOOB. Literal sound of our heart, dito nagsimula ang story telling ng YGIG sa kanilang mga songs, katulad ng pagsisimula ng isang kabataan sa journey ng kanyang pagiging binata o dalaga.

Katulad ng pagkabog ng puso mo sa unang pagkakataon na makita mo si ‘The One,’ ang “DOOB DOOB” ay magbabalik sa Iyo sa very memorable phase ng iyong buhay na feeling mo ay nasa Cloud 9 ka sa kilig when you get to see that person.

Naaalala mo pa ba ang time na unang nag-DOOB DOOB ang heart nang Nakita mo siya?

TOUCHDOWN

Sa part 2 ng love series na ito, kung ang DOOB DOOB ay tungkol sa feeling ng kilig na makita si ‘The One,’ ang song naman na TOUCHDOWN ay perfect para sa mga taong determinado nang i-pursue ang someone na nagugustuhan niya!

From being in the clouds, you are touching in the ground na that symbolizes ‘reality.’

BB

Ito na ang plot twist ng love series ng YGIG sa kanilang mga songs!

Ang BB ay warning song para sa mga taong inlove na inlove na to the point na tila nabubulag na.

According to YGIG members, “BB means Beautiful Boy pero yung lyrics ng song ay hindi talaga siya beautiful.”

“Front lang yung pagiging beautiful pero as you look deep inside, hindi siya ganun ka-pretty. Para siyang wolf in sheeps clothing,” dagdag pa ng grupo.

UNIVERSE

Kahit hindi connected sa DOOB DOOB, TOUCHDOWN and BB, nagawa pa ring mapagdugtong ng YGIG members at ng REMATE ONLINE ang song na ito sa iba pang mga awitin sa love series!

UNIVERSE is a song that focuses on self love. It tells that you are enough, and you are your one and only universe kaya you have to treasure yourself.

Perfect ang song na ito para sa mga taong ang motto ay “self love” muna, o kaya sa mga nabigo at nasaktan sa pag-ibig na gusto munang unahin ang sarili bago ang iba.

Ito rin ang song na inialay ng YGIG sa kanilang WEGOs kasabay ng pag-iwan ng mensahe na alagaan at mahalin ang sarili.

These are just few of many P-pop songs na maaari mong mapakinggan this weekend kaya i-add na ang songs ng YGIG sa iyong playlist! RNT/Josh Castro

Know more about YGIG! Visit their official SNS.

Facebook 

Instagram

X

TikTok

YouTube