Home NATIONWIDE PPP, ODA projects tinalakay ni PBBM, NEDA

PPP, ODA projects tinalakay ni PBBM, NEDA

130
0

MANILA, Philippines- Pinulong kahapon, araw ng Huwebes, Pebrero 2,  ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga board member ng  National Economic and Development Authority (NEDA) kung saan tinalakay ang mga proyektong pinondohan sa pamamagitan ng ‘partnership’ sa  private sector at Official Development Assistance (ODA).

Pinangunahan ni Pangulong MArcos ang 3rd NEDA Board Meeting sa State Dining Room ng Palasyo ng Malakanyang  para tumanggap ng updates ukol sa bago at umiiral na  public-private partnership (PPP) at  ODA-funded projects, base sa Facebook post  ng  Office of the President (OP).

“President Ferdinand R. Marcos Jr. presided over the 3rd National Economic and Development Authority Board meeting, where the status of Public-Private Partnership projects and Official Development Assistance (ODA) projects, both new and existing, were discussed,” ayon sa OP.

Nakatuon din ang miting sa naging pagsunod ng NEDA sa naging direktiba ni Pangulong Marcos  at maging sa iba pang paksa na may kaugnayan sa “economic development and progress” ng bansa.

Ayon naman sa Facebook post ng State-run Radio Television Malacañang (RTVM), na ang nasabing pulong ay dinaluhan ng NEDA Board members.

Ang board ay kinabibilangan nina NEDA director general at Socioeconomic Secretary Arsenio Balisacan, Executive Secretary Lucas Bersamin, Finance Secretary Benjamin Diokno, Public Works Secretary Manuel Bonoan, Trade Secretary Alfredo Pascual, Transportation Secretary Jaime Bautista, Energy Secretary Raphael Lotilla, Budget Secretary Amenah Pangandaman, at Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Governor Francisco Dakila Jr.

Dumalo rin sa pulong sina Special Assistant to the President Secretary Antonio Ernesto Lagdameo Jr., Chief Presidential Legal Counsel Secretary Juan Ponce Enrile, at Presidential Communications Office Secretary Cheloy Velicaria-Garafil.

Nito lamang Enero 27, kinilala ni Pangulong Marcos  ang kahalagahan ng paghikayat ng mas maraming investments para mapanatili ang paglago ng ekonomiya ng bansa. Kris Jose

Previous articleAndrew, pinasok ang pagbebenta ng beauty products!
Next articleHigit 25K tsuper, kailangang sumali sa kooperatiba para makapag-renew ng prangkisa