Home IN PHOTOS Praktis sa Traslacion 2024 isinagawa

Praktis sa Traslacion 2024 isinagawa

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng walkthrough ngayong umaga ang ilang kinatawan ng Simbahan ng Quiapo, mga pulis mula sa Manila Police District, Hijos at ibang ahensya ng gobyerno bilang paghahanda para sa Traslacion ng Black Nazarene sa Enero 9, 2024.

Nagsimula ang walkthrough mula Quirino Grandstand at natapos sa Quiapo Church o Minor Basilica at National shrine of the Black Nazarene.

Isinagawa ang aktibidad upang masiguro ang kaligtasan ng mga deboro na inaasahang sadagsa sa Traslacion .

Iniskortan ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga lumahok sa walkthrough.

Mula 2021 , ang “Pagtanaw” lamang ang isinagawa dahil na rin sa pandemya kaya pansamantalang itinigil ang tradisyunal na Traslacion.

Hinikayat din ang mga deboro na dumalo ng online mass upang maiwasan ang mass gathering sa Simbahan.

Noong 2023, isang “Pagpupugay” ang isinagawa sa halip na ang tradisyonal na “Pahalik” o pagtingin at paghawak sa imahe ng Itim na Nazareno.

Milyong deboto ang nakikiisa sa Traslacion tuwing Kapistahan ng Quiapo. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleHoliday pay rules sa Disyembre pinaalala ng DOLE
Next articleLisensyang de papel ‘di na ipamamahagi ng LTO