Home NATIONWIDE Prayer rally at protest action, ilulunsad vs Cha-cha

Prayer rally at protest action, ilulunsad vs Cha-cha

MANILA, Philippines – Maglulunsad ang development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng Prayer Rally and Protest Action Against Charter Change — kauna-unahang pagkilos ng bagong lunsad na Koalisyon Laban sa Cha-Cha: Simbahan at Komunidad Laban Sa ChaCha (SiKLab).

Kasabay ng panawagan ng Koalisyon, sinabi ni Caritas Philippines Executive Director Rev. Fr. Antonio Labiao Jr., na ang pakiisa ay mahalaga aniya ang aktibong partisipasyon ng taumbayan upang mabantayan at hindi maisakatuparan ng iilan ang mga pansariling interes na nakapaloob sa isinusulong na pagbabago ng Saligang Batas ng Pilipinas.

Bilang nagkakaisang Simbahan at komunidad laban sa Charter Charter, ay nanawagan ng suporta ang pari sa isasagawang prayer rally sa ika-22 ng Pebrero, 2024 ganap na na alas-otso ng umaga sa Plaza Roma sa Intramuros, Manila na nasa harapan ng Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception o Manila Cathedral at tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC).

Ibinahagi ni Fr. Labiao na bukod sa paninindigan laban sa isinusulong na Charter Change ay layunin din ng gawain na manawagan at ipanalangin ang mga bumubuo sa Commission on Elections (COMELEC) upang maging mapagbantay at manindigan sa People’s Initiative.

Sa tala ng COMELEC, bago pansamantalang sinuspinde ang lahat ng gawain kabilang ang pagtanggap ng mga ‘signature forms’ na may kaugnayan sa People’s Initiative ay nakatanggap na ang ahensya ng signature forms mula sa 1,072 munisipalidad at siyudad sa buong bansa.

Binubuo ang nasabing koalisyon laban sa Cha-cha ng may 40-grupo mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan na kinabibilangan ng mga church group at people’s movement sa bansa na pawang naninindigan sa pagpapahalaga sa Saligang Batas ng Pilipinas na nagsisilbing sandigan ng mga karapatan, kalayaan at demokrasyang tinatamasa ng bansa.

Kabilang sa mga organisasyon at grupo ng Simbahan na kasapi ng kowalisyon ang development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines sa ilalim ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace o Caritas Philippines; Sangguniang Laiko ng Pilipinas; Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP); Simbahang Lingkod ng Bayan (SLB); at CMSP – Conference of Major Superiors in the Philippines. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleForeman patay sa pagsabog ng acetylene tank
Next articlePatay sa malagim na trahedya sa NegOr umakyat sa 15