Home METRO Prayer rally vs signature drive sa Cha-cha, inihahanda sa Davao

Prayer rally vs signature drive sa Cha-cha, inihahanda sa Davao

DAVAO CITY- INAASAHAN dadagsain ng 50,000 katao mula sa iba’t ibang rehiyon sa gaganaping prayer rally para labanan ang kampanya sa paglagda ng people’s initiative (PI) para amyendahan ang 1987 Constitution o Charter Change sa lungsod na ito.

Sa pahayag ni Davao City 3rd District Councilor Conrado Baluran, inihahanda ang gagawing prayer rally sa darating na Linggo para ipakita ang paglabag sa mga taktika na sinasabing ginagamit ang PI upang makakuha ng mga lagda bilang suporta sa Charter change.

Kumalat din sa iba’t ibang lugar sa bansa hindi lamang sa Davao ang balita ng panunuhol sa mga botante para kumbinsihin na pirmahan ang petisyon para sa Cha-cha.

“Dabawenyo are not for sale,” ani pa ni Baluran.

Nanawagan rin ang konsehal sa bawat mamamayang Pilipino na lumahok sa malawakang protesta na ang layunin ay labanan ang pananamantala at panloloko sa Sambayanang Pilipino.

Dagdag pa ni Baluran na ang Davao City ay mananatiling matatag at hindi lamang basta mananahimik sa isang tabi bilang isang tagamasid ngunit patuloy na makibahagi sa pagsusumikap na magkaisa para sa isang bansa, isang malakas na oposisyon.

“We have to act on one goal, dapat respetuhin pud ta nila (we should also be respected by them) just because of their intention to remain in power,” ani pa ni Baluran. Mary Anne Sapico

Previous articleFood security, agri cooperation pag-uusapan sa state visit ni PBBM sa Vietnam
Next article4 patay, 15 bahay nilamon ng apoy ng Quezon