Home NATIONWIDE Premyo sa Ultra Lotto 6/58, Superlotto 6/49 ‘di napanalunan – PCSO

Premyo sa Ultra Lotto 6/58, Superlotto 6/49 ‘di napanalunan – PCSO

MANILA, Philippines- Ilang araw matapos masungkit ng isang mananaya ang P64-million Superlotto 6/49 jackpot noong Huwebes, wala pa ring nanalo sa dalawang lotto draws nitong Linggo.

Base sa Philippine Charity Sweepstakes Office, walang nanalo sa Ultra Lotto 6/58 at sa Superlotto 6/49.

Ang winning numbers para sa Ultra Lotto 6/58 ay 55-01-20-03-58-10 na may premyong umabot na sa P137,271,570.80.

Ang masuswerteng numero naman para sa Superlotto 6/49 ay 19-28-09-49-48-25 na may premyong P15,840,000.00. RNT/SA

Previous article14 pang Pinoy sa Gaza lumikas na
Next articleIlang embahada nakiramay sa Maco landslide victims