MANILA, Philippines – Asahan ang patuloy na presensya ng foreign aircraft sa mga gagawin pang resupply missions ng bansa sa West Philippine Sea, ayon sa Armed Forces of the Philippines nitong Sabado, Oktubre 7.
Sa pinakahuling resupply mission sa Ayungin Shoal noong Miyerkules, isang eroplano mula sa hindi pa tukoy na bansa ang namataang umaaligid sa lugar.
“What they are providing us is a view from above so that, as I’ve said, we will know what is happening on the ground. That is very important in the formulation of strategies, campaigns, or operational plans that will be effective only in providing additional capability, which we don’t have yet,” pahayag ni AFP Spokesperson Medel Aguilar.
Nang tanungin naman kung humiling ba ang Pilipinas ng presensya ng US aircraft kasabay ng resupply missions, o kung nagpadala ba ang US ng eroplano nito sa sariling desisyon, sagot ni Aguilar: “We have a mutual defense treaty.”
Samantala, nang tanungin naman kung inaasahan pa rin ba ang presensya ng US aircraft o iba pang eroplano sa susunod na resupply mission, sinabi pa niya na, “We can expect that because I think that is also important.”
Noong Miyerkules, inanunsyo ng National Task Force-West Philippine Sea na nakumpleto ng bansa ang pinakabagong resupply mission sa Ayungin Shoal sa kabila ng harassment na naman ng China. RNT/JGC