Home METRO Presensya ng maliliit na Filipino-run scam hubs iniulat ng PAOCC

Presensya ng maliliit na Filipino-run scam hubs iniulat ng PAOCC

MANILA, Philippines – Iniulat ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na nakapagtala rin sila ng mga maliliit na scam hubs na pinatatakbo ng mga Filipino.

Ayon kay PAOCC spokesperson Winston Casio, nasa 20-30 tauhan na dating bahagi ng illegal POGOs ang nagpapatakbo ng small-scale scam hubs.

Ani Casio, ang mga Pinoy na nahuli mula sa mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hubs na sangkot sa illegal na aktibidad ay karaniwang pinalalaya kung may kakulangan sa ebidensya para mapanagot ang mga ito.

“Hindi kasinglaki ng Porac, pero nakita namin dito sa Mexico, Pampanga [at] Bacolor, Pampanga [na] may mga bahay-bahay na yung operations nila [ay] scamming,” sinabi ni Casio.

“A victimizer may have been a victim himself. Case in point, last year we went to Thailand to receive rescued victims who were able to escape from Myawaddy [in Myanmar]. Fast forward [to] August 1, 2023, we raided a scam farm in T. Zamora corner Gaitos in Pasay. One of the 14 quote-unquote rescued Filipinas from Myawaddy, Myanmar was apprehended in T. Zamora, this time as a team leader and manager. We charged her,” dagdag pa niya.

Sa mga nagdaang raid, nadiskubre rin ang pattern ng pagpapalipat-lipatm ula sa isang illegal POGO hub patungo sa iba pa.

“May nakita nga [na mga tao] doon sa Bamban na nanggaling po doon sa Hong Tai. Yung Hong Tai, yun po yung niraid na ilang libo yung nakuha nila sa Las Piñas. Ngayon, dito naman po sa Porac, meron kaming nakita na mga IDs na mga taong nagtratrabaho dito sa Lucky South na nahuli dati doon sa Hong Sheng. Yun yung POGO na nagrerenta doon sa property ni Mayor Alice Guo sa Baofu,” sinabi ni Casio.

Aniya, nakatakdang maghain ng reklamo ang PAOCC na may kaugnayan sa nagpapatuloy na imbestigasyon sa POGO hub sa Porac, Pampanga.

“The inventory will be concluded today so we will have to take a look at all the evidence we have on hand, documentary, testimony and so on as well as digital… and we will decide probably in two weeks time as to the charges to be filed and whom to charge in relation to Porac operation.”

“Mayroong link na matibay between the criminal organization of Bamban and the criminal organization of Porac. Yung mga international criminal syndicates have allied with local criminal syndicates, kaya sobrang lakas po nila,” pagpapatuloy niya. RNT/JGC