Home NATIONWIDE Presidente ng Vietnam bumaba sa pwesto

Presidente ng Vietnam bumaba sa pwesto

HANOI- Tinanggap ng Vietnamese Communist Party ang resignation ni President Vo Van Thuong, ayon sa pamahalaan nitong Miyerkules, senyales ng “political turmoil” na maaaring makaapekto sa kumpiyansa ng foreign investors sa bansa.

Sinabi ng gobyerno na lumabag umano si Thuong sa party rules, at iginiit na “those shortcomings had negatively impacted public opinion, affecting the reputation of the Party, State and him personally.”

Inaprubahan ng Central Party Committee, ang top decision-making body sa Communist Party-ruled Vietnam, ang pagbaba sa pwesto ni Thuong halos isang taon lamang matapos niyang mahalal.

Hindi idinetalye ng gobyerno ang umano’y mga pagkukulang ni Thuong, subalit iniuugnay ang “major leadership changes” sa one-party state sa malawakang “blazing furnace” anti-bribery campaign.

Ilang ulit na sinisi ng foreign investors at diplomats ang kampanya sa pagpapabagal ng mga desisyon sa bansa.

Nagbitiw sa pwesto si Thuong, 53, ilang araw matapos ianunsyo ng Vietnamese police ang pagkakaaresto ng dating pinuno ng central Vietnam’s Quang Ngai province dahil sa umano’y korapsyon noon, na nanungkulan habang si Thuong ang party chief doon.

Dati rin siyang senior party official ng economic hub Ho Chi Minh City, na niyanig ng multi-billion-dollar long-running financial scam, na kasalukuyang iniimbestigahan. RNT/SA

Previous articleMas maigting na presensya ng Chinese vessels sa Scarborough Shoal naobserbahan
Next articleNPA leader nalambat sa Bicol