Home NATIONWIDE Presidential Task Force on Media Security may bago nang pinuno

Presidential Task Force on Media Security may bago nang pinuno

275
0

MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Paulino Gutierrez bilang bagong executive director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).

Kinumpirma ito ng Presidential Communications Office (PCO) sa mga mamamahayag nitong Lunes. Ang sulat ng pagtalaga kay Gutierrez ay may petsang May 19, 2023.

Bilang isang undersecretary, pinalitan ni Gutierrez si Joel Sy Egco bilang bagong pinuno ng task force.

Ang PTFoMS ay itinatag noong 2016 at nasa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo. Layunin nitong protektahan ang mga mamamahayag mula sa anumang uri ng banta at garantiyahin ang kalayaan ng midya sa bansa. RNT

Previous articleOnline violence vs women, children lusot na sa Kamara
Next article₱300 medical exam cap para sa driver’s license itinakda ng LTO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here