Home METRO Preso pumuga habang nagpapa-medical!

Preso pumuga habang nagpapa-medical!

MANILA, Philippines- Isang Person Under the Police Custody (PUPC) ang tumakas makaraang salisihan ang kanyang dalawang escort habang sumasailalim sa isang medical examination sa Trece Martires City, Cavite.

Ayon sa report, kinilala ang suspek na si alyas John, nakakulong sa Trece Martires City Custodial Facility.

Batay sa ulat, bandang alas-2 ng hapon isasailalim sa examination ang suspek at habang hinihintay ang kanyang tawag ay sinamantala nitong tumakas at dumaan sa gilid ng ilog sa Brgy San Agustin ng nasabing lungsod.

Kaagad namang hinabol ng kanyang escort ang suspek subalit hindi na ito nakita.

Patuloy naman ang manhunt operation sa paghahanap sa tumakas na preso. Margie Bautista