Home NATIONWIDE Presyo ng bigas bantayan! – PBBM

Presyo ng bigas bantayan! – PBBM

MANILA, Philippines- Nagbabala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hahabulin ng pamahalaan ang rice hoarders at price manipulators na sinasamantala ang lean months bago pa ang harvest season sa gitna ng napaulat na pagtaas sa presyo ng bigas sa mga pamilihan.

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na binigyang-diin ni Pangulong Marcos na may sapat na suplay ng bigas dahil na rin sa pagtutulungan ng administrasyon at pribadong sektor para bigyang-katwiran ang presyo at availability ng ‘affordable rice’ sa mga pamilihan at Kadiwa stores.

“Rice supply is sufficient. Prices are, however very variable. The government is working with the private sector to rationalize the prices and make available affordable rice in the market and in Kadiwa,” ayon sa PCO na pahayag ng Pangulo.

Sa kabilang dako, iniulat ng Department of Agriculture na ang retailers ay nagbebenta ng bigas sa iba’t ibang ‘price points’ kung saan may ilan ang nagbebenta ng P38-P40 kada kilo bilang pinakamura habang may ilan namang nagbebenta ng murang iba’t ibang bigas sa halagang P50 kada  kilo.

Bilang resulta, sinabi ng PCO  na ipinag-utos ng Pangulo sa DA at Department of Trade and Industry (DTI) na mahigpit na i-monitor  ang presyo ng bigas sa iba’t ibang pamilihan sa bansa. Kris Jose

Previous articlePinas, Ethiopia magtutulungan sa kalakalan, teknolohiya, Manila-Addis Ababa Air Linkage 
Next article‘Agricultural Terminal’ ilulunsad ng DTI