MANILA, Philippines – Inaasahan ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na bababa na ang presyo ng bigas sa ₱40 kada kilo sa susunod na dalawang linggo sa pagsisimula ng anihan.
Batay sa pagtatantya ng SINAG, ang regular milled rice ay maaaring bumaba sa ₱40 kada kilo, habang ang well-milled rice ay maaaring nagkakahalaga ng ₱42 hanggang ₱43 kada kilo
“Sana sa susunod na linggo o katapusan ng Oktubre, mag-stabilize na siya,” ani SINAG Executive Director Jayson Cainglet.
Sa mga pamilihan sa Metro Manila, ang regular milled rice ay mula ₱41 hanggang ₱45 kada kilo, habang ang well-milled rice ay nagkakahalaga ng hanggang P48, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sinabi ni DA spokesperson Ariel de Mesa sa mga lugar na malapit sa mga palayan, ang bigas ay ibinebenta sa halagang ₱38 kada kilo sa simula ng pagpapatupad ng price cap, na nilayon upang palamigin ang mataas na presyo ng mga bilihin. RNT