Home NATIONWIDE Presyo ng bigas posibleng bumaba sa P36/kg ngayong Oktubre – DA

Presyo ng bigas posibleng bumaba sa P36/kg ngayong Oktubre – DA

MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Agriculture (DA) na maaaring bumaba ang retail prices ng local rice sa P36 kada kilo bago magtapos ang buwan ng Oktubre.

“In retail, the price will be P36 to P38 before the end of the month. It’s because it’s harvest season and we have many produce,” ayon kay DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban sa isang panayam sa sidelines ng pagbubukas ng AgriLink, FoodLink & AquaLink 2023 sa World Trade Center sa Pasay City.

Pinag-aaralan pa rin naman ani Panganiban ang rekomendasyon para sa suggested retail price sa bigas, kaugnay na rin ng ulat na ang presyo ng imported rice sa mga pamilihan ay P60 kada kilo.

“We have none yet (recommendation), we’re still conducting study on that,” ayon kay Panganiban.

Samantala, suportado naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paggamit ng makabagong teknolohiya para paghusayin ang agricultural sector.

“The adoption of modern farming practices and the development of cutting-edge technologies will be our tools to promote sustainable and efficient farming processes,” mensahe ng Pangulo na binasa ni Panganiban.

“Through innovation, we will not only preserve but also add greater value to our agricultural products, improving the livelihood of our farmers and enhancing our competitiveness in this globalized world,” dagdag na pahayag nito.

Nangako rin ang Pangulo na patuloy na susuportahan ng pamahalaan ang ‘agriculture at fisheries sectors.’

“As I end, you can rest assured that the government will continue to stand firmly behind our farmers and fisherfolk, as well as small and medium-scale agri-businesses. Our ongoing efforts-from investing in infrastructure and improving roads to enhancing irrigation systems and fostering technology development—are all geared towards improving the efficiency and value of our crops and agricultural products,” ayon sa Chief Executive.

“So, it is my hope that you will support me and the rest of the government as we strive to build a more modern, efficient, and sustainable agri-business sector,” dagdag na wika niya. Kris Jose

Previous articlePelikula ni Bea, flop sa US, apat lang ang nanood!
Next articleBagong appointments sa Marcos admin pinangalanan