MANILA, Philippines – May panibagong bawas-presyo na naman sa diesel at kerosene sa susunod na linggo!
Sa four-day monitoring ng Mean of Platts Singapore (MOPS) trading, sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na inaasahan ang estimated price reductions sa susunod na linggo sa sumusunod na halaga:
Diesel sa P1.20 hanggang P1.40 na tapyas kada litro.
Kerosene sa P1.10 hanggang P1.20 kada litro na bawas sa presyo.
Samantala, may dagdag na P0.49 hanggang P0.60 kada litro sa presyo ng gasolina.
“Oil markets have eased as Saudi Arabia is truly ‘balancing’ by preparing to ship full volumes required by its North Asian customers, notwithstanding its output cuts,” sinabi ni Romero.
Karaniwang inaanunsyo ang price adjustments tuwing Lunes at ipinatutupad sa kasunod na araw. RNT/JGC