Home HOME BANNER STORY Presyo ng isda sisirit sa paglapit ng Semana Santa

Presyo ng isda sisirit sa paglapit ng Semana Santa

(c) Remate News Central File Photo

MANILA, Philippines – Inaasahang tataas ang presyo ng isda habang papalapit na ang Semana Santa, sinabi ng Department of Agriculture (DA).

Sa isang panayam, sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa na maaaring maramdaman ang pagtaas ng presyo sa mga wet market, lalo pa, simula sa Lunes Santo.

“People are weaning away from consuming pork and other protein kagaya ng baka,” aniya.

“Kasi tayo, 85 percent Catholics ang mga Pilipino so that drives alone, na mga Katoliko na nagninilay, kasama na iyon especially for Black Friday,” dagdag pa ni De Mesa.

Ayon sa kaugalian, ang adjustment ay maaaring lumapag sa 10 porsiyento hanggang 20 porsiyentong pagtaas ng presyo.

Ayon sa pinakahuling monitoring ng Bantay Presyo (price watch) ng DA, bahagyang tumaas ang retail prices ng bangus, galunggong at alumahan mula Biyernes, Marso 15 sa Metro Manila.

Ang Milkfish ay nasa P150/kilogram hanggang P220/kg mula noong nakaraang linggo na P140/kg hanggang P250/kg; ang local round scad ay nasa P180/kg hanggang P300 mula P170-P300; habang ang Indian mackerel ay nasa P260 hanggang P360 mula P240 hanggang P360 na hanay ng presyo.

Samantala, mananatili naman ang presyo ng tilapia at imported round scads.

Para sa mga gulay, sinabi ni De Mesa na maaaring magkaroon din ng bahagyang pagtaas kung isasaalang-alang din na ito ay alternatibong karne.

“Sa gulay, ganun din halos parehas sa isda pero hindi kagaya ng isda na mas mahal, mas malaki iyong tinataas,” aniya pa.

Samantala, sinabi ng DA na hindi na kailangang magpatupad ng price cap sa kabila ng pagtaas ng presyo ng ilang mga bilihin.

Kabilang dito ang karne ng baboy na ngayon ay nasa PHP420/kg sa gitna ng natitirang banta ng African swine fever (ASF) sa bansa.

“We are not considering any price ceiling on any commodity kahit sa pork… Sa ngayon kasi kapag mayroon kang pagpigil, magca-cause iyan ng mga problema rin na ayaw nating mangyari sa atin,” ani De Mesa. Santi Celario

Previous articleHaiti isinailalim ng DFA sa crisis alert level 3
Next articleNon-bailable case isinampa kay Quiboloy sa Davao, Pasig court