Home HOME BANNER STORY Presyo ng produktong petrolyo tatapyasan sa Martes

Presyo ng produktong petrolyo tatapyasan sa Martes

MANILA, Philippines- Bago pa man matapos ang buwan ng Pebrero, magpapatupad ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas ng umaga.

Sa abiso ng mga kompanya ng langis sa bansa na pinangunahan ng Pilipinas Shell, Petron Corporation, Seaoil, PTT Philippines, Total Philippines, Unioil, Petro Gazz at Phoenix Petroleum, magpapatupad sila ng oil price rollback na P0.70 sa kada litro ng gasolina, P0.95 sa kada litro ng diesel, at P1.10 sa kada litro naman ng kerosene epektibo alas-6 bukas ng umaga.

May bawas-presyo rin sa mga nasabing produktong petrolyo sa kahalintulad na halaga ang kompanyang Caltex (CPI) at CleanFuel na kapwa ipapatupad alas-12:01 bukas ng madaling araw.

Ang ipatutupad na bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang merkado. JAY Reyes

Previous articleKathryn, kumanta ng Taylor song, kinonek kay Daniel!
Next articleKapayapaan muling inihirit ni Pope Francis