Home NATIONWIDE Presyo ng tilapia, bangus tumaas

Presyo ng tilapia, bangus tumaas

MANILA, Philippines- Umakyat ang presyo ng freshwater fish ng hanggang P30 kada kilo, batay sa monitoring ng Department of Agriculture (DA). 

Mula P150 sa P220 nitong January 15, sumipa ang presyo ng bangus hanggang P250 kada kilo. Samantala, pumalo ang presyo ng tilapia sa 170 kada kilo, mas mataas kumpara sa P110 hanggang P160 dalawang linggo na ang nakaraan.

Sinabi ni Asis Perez, Tugon Kabuhayan co-convenor, bunsod ang taas-presyo sa mababang supply ng saltwater fish dahilan upang tumaas ang demand para sa freshwater fish. 

“Pagka kasi full moon… during that period of time mababa talaga yung huli ng isda natin na alat. Pababa ‘yung kanilang isda na alat so siyempre ‘yun naman ‘yung pagkakataon ng aquaculture na nabebenta ‘yung produkto nila at wala silang kalaban sa merkado so naturally prices will adjust,” paliwanag ni Perez nitong Martes.

Nananatili ring mababa ang supply ng galunggong, base kay Perez.

“Closed fishing season ‘yun galunggong natin at wala tayong masyadong supply ng galunggong kaya ‘yun yung dahilan siguro kaya medyo mataas,” wika niya.

Nauna nang sinabi ng DA na nilalayon ng pamahalaan na ibalik ang presyo ng bangus sa P50 hanggang P70 kada kilo. RNT/SA

Previous articleBilateral trade ng Pinas sa Vietnam target palakasin ng Marcos admin
Next articleIan, mas dumami ang projects!