Home HOME BANNER STORY Presyo ng well-milled rice bababa sa P44-P46 kada kilo

Presyo ng well-milled rice bababa sa P44-P46 kada kilo

MANILA, Philippines – Magandang balita dahil inaasahan ang pagbaba ng presyo ng well-milled rice sa P44 hanggang P46 kada kilo sa mga susunod na linggo.

Ito ay kasunod ng pagbaba ng presyo ng bigas sa pandaigdigang pamilihan, ayon sa isang opisyal ng Department of Agriculture.

Samantala, naobserbahan din ng Samahang Industriya sa Agrikultura (SINAG) ang pagbaba ng presyo sa ibang bansa, na nagsasabing bumaba ang presyo ng bawat metrikong tonelada ng pangunahing pagkain ng mga Pilipino mula $612 hanggang $580.

“Sana, patuloy na bumaba yung presyo sa international market and it will have an impact doon sa parating na imported rice,” ani De Mesa.

“Babalik ‘yan sa range na P44 hanggang P46 na presyo ng well-milled rice,” dagdag pa ng grupo.

Mas mataas ang pagtatantya ni SINAG chairman Rosendo So sa presyo ng bigas sa mga susunod na linggo.

“‘Yung local harvest natin ng palay na dati ang presyo nasa P26 ngayon bumaba ng P24. Equivalent nu’n is more or less nasa P47 to P48 na bigas,” aniya pa. Santi Celario

Previous articleGuilty verdict vs pumatay kay Ranara pinagtibay ng Kuwaiti appellate court
Next articleAntas ng tubig sa Angat, La Mesa dam mataas pa rin