
NASA mahigit isang daang tao mula sa Barangay 35, Zone 3 ng lungsod ng Pasay ang nakinabang sa isang nutrition feeding activity na pinangunahan ng Sangguniang Kabataan ng nasabing Barangay na sinuportahan ng Rhodesian Sales Corporation (RSC) na siyang gumagawa ng Kuchi Kuchi prickly heat cooling powder, at ng Lim Yu Distribution Hub Ventures, Inc. nitong July 16, 2023.
Ayon kay SK chairperson Novielyn Tolin, ang feeding program kung saan ay namahagi ng masustansyang sopas at nilagang itlog sa mga bata, kabataan, senior citizen ng Barangay ay may kaugnayan sa obserbasyon ng buong buwan ng Hulyo bilang “National Nutrition Month” alinsunod sa probisyon ng Presidential Proclamation No. 491 na ipinag-utos ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. noong 1974.
Sumentro ang tema ng selebasyon na “Healthy Diet Gawing Affordable For All” sa panawagan na mas mabigyan ng oportunidad ang marami lalong-lalo na ang mga mahihirap na magkaroon ng makakaing masustansiyang pagkain sa kabila ng pagmahal ng bilihin dala ng mabilis na inflation.
Sa datus ng National Nutrition Council, isa sa bawat tatlong batang Pilipino ay bansot sa kanyang edad at sanhi iyon ng malnutrisyon o kakulangan sa masustansiyang mga pagkain.
Hindi dapat binabalewala ang pagkabansot dahil maaari itong maging problemang pangkalusugan katulad ng impaired cognitive development, pagtaas ng tsansa na magkaroon ng mga malulubhang karamdaman habang sila ay lumalaki.
Base sa survey na isinagawa ng Social Weather Station, nasa 9.8% o katumbas ng 2.7 milyong pamilya ang dumanas ng matinding gutom sa unang tatlong buwan ng taong 2023 dahil sa kawalan ng kapasidad na makabili ng pagkain.
Kasabay sa aktibidad ay namahagi ang RSC ng Kuchi Kuchi prickly heat cooling powder sa mga nakibahaging residente. Ito ay maaari nilang magamit sa inaasahang papainit na panahon dulot ng nagsisimula nang epekto ng El Niño weather phenomenon sa bansa. Kapag labis na nagpapawis ang katawan, ito ay madalas na nagreresulta sa heat rash o prickly heat na nagiging sanhi ng iritasyon sa balat at pangangati.
Mabilis itong mapapawi ng Kuchi Kuchi dahil sa pagtataglay nito ng Andiroba oil o crab oil na pambihira ang natural na benepisyo sa balat dulot ng tinatawag sa siyensiya na collagen synthesis. Sa taglay nitong napakabangong amoy ay nabibigyan ng proteksyon, napapakinis ang balat, at nababawasan ang iritasyon sa balat.
Mabibili ang cooling powder sa mga sangay ng Mercury Drug Store, South Star Drug, at iba pang botika sa buong bansa, at maging sa online shopping sa pamamagitan ng Lazada at Shopee.
Mula naman sa Lim Yu DHVI ang mga ginamit na paper bowl at iba pang biodegradable utensils na kinailangan sa feeding program. Ika nga ni Edison Yu, panahon na para maging aktibo ang mga maliliit na negosyo sa pagbibjgay ng mga serbisyo sa mga nangangailangan at sabayan ng maka-kalikasang adbokasiya katulad ng pagbabawas ng paggamit ng single-use plastic.
Nakibahagi rin sa feeding program sina Punong Barangay Lily Balanon, mga opisyales ng Barangay, at si Criselda Tan ng Grand Order of the Unified Guardians, Inc.