Home NATIONWIDE Price cap, raids nakatulong sa pagbaba ng presyo ng bigas

Price cap, raids nakatulong sa pagbaba ng presyo ng bigas

2259
0

MANILA, Philippines- Positibo ang idinulot ng magkakabilang raid at ipinatupad na price cap sa pag-stabilize ngayon ng presyo ng bigas sa lokal na pamilihan, ayon kay Quezon Rep. Mark Enverga na siyang Chairman ng House Committee in Agriculture and Food.

Tinawag din ni Enverga na “calculated move” ang kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos na maglagay ng price ceiling.

“It has helped stabilize the rice market despite global market uncertainties. Vietnam’s rice prices also dropped last week as the Philippines canceled its orders amid possible losses from the price cap,” paliwanag ni Enverga.

Ang price ceiling ay ipinatupad noong Setyembre 5 kasunod ng biglaang pagtaas ng presyo ng bigas.

Samantala, para kay Albay Rep. at House Ways and Means Committee chairman Joey Salceda na maituturing lamang na artificial ang naging paglobo sa presyo ng bigas.

“The cap ended the rice price spike. It is now clear that the soaring cost of the grain is artificial, driven by market speculation and rice traders driven by greed. Now, we have to manage our rice inventory better to avoid fueling the speculation here and in the global rice market,” paliwanag ni Salceda.

Bunga nito, iniutos ng dalawang mambabatas na dapat regular at paigtingin ang kampanya laban sa hoarders.

Noong Agosto ay P519 milyong imported rice ang nasabat sa Bulacan warehouses. Gail Mendoza

Previous articleKompanya sa BOC: Computerization project ikasa na vs smuggling
Next articlePaggunita sa ika-106 birth anniversary ng ama, pinangunahan ni PBBM

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here