Home METRO Price freeze sa 5 bayan sa OrMin pinairal sa ASF

Price freeze sa 5 bayan sa OrMin pinairal sa ASF

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro- Mahigpit na ipinatupad ng Department of Trade and Industry-Mimaropa (DTI-Mimaropa) ang price freeze sa mga pangunahing bilihin na sakop ng limang bayan sa probinsyang ito kasunod ng African swine fever (ASF) outbreak sa mga lokal na piggery.

Sa online advisory nitong Martes, sinabi ng DTI- Mimaropa na ipinatupad ang price caps sa Bulalacao, Bongabong, Bansud, Pinamalayan, at Naujan na kamakailan lamang ay nagpalabas ng state of calamity ang Sangguniang Panlalawigan sa mga nabanggit na bayan.

Nakasaad din sa paalala na ang mga presyo ng mga pangunahing pangangailangan ay awtomatikong naka-price freeze mula sa presyong kanilang ipinatupad hanggang pinaiiral ang naturang kautusan na hindi tatagal ng higit sa 60 araw.

Kabilang sa mga produktong naka-price freeze ayon sa Republic Act 7581 na inamyendahan ng Republic Act 10623 ay ang canned fish at iba pang marine products, processed milk (evaporated, condensed, and powdered milk), coffee, laundry/detergent soap, candles, tasty and pandesal (salt bread), iodized salt, instant noodles and bottled water.

Nagbabala ang ahensya sa mga lalabag na may karampatang parusa, kabilang ang mga multa o pagkulong, o pareho, sa pagpapasya ng korte, maliban sa mga parusang administratibo ng DTI.

Sinabi ng DTI Mimaropa na lalo pa nilang paigtingin ang pag-monitor sa presyo at suplay ng mga pangunahing pangangailangan sa ilalim ng kanilang hurisdiksyon. Mary Anne Sapico

Previous article₱1.2M puslit na yosi inabandona sa Sarangani
Next articleIsabelle, nag-donate ng 1M kay Elvie; Gloria, proud sa anak!