Home NATIONWIDE Primary health care system sa bansa, palalakasin pa ng DOH

Primary health care system sa bansa, palalakasin pa ng DOH

MANILA, Philippines – Para maisakatuparang mailapit ang serbisyong medikal sa mga tao, palalakasin ng Department of Health ang primary health care system sa bansa.

Ito ang tiniyak ni Health Secretary Ted Herbosa alinsunod na rin sa nabanggit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr sa kanyang ikalawang State of the Nation Address.

Sinabi ng kalihim na bahagi ng DOH agenda na tiyakin na maaabot ng mga mahihirap ang healthcare services.

Aniya, target din na magtayo ang mga multi-specialty center tulad nang itatayo sa Clark bukod pa sa proyekto ni First Lady Liza Marcos na dalhin ang mga laboratory services sa ibat-ibang lugar.

Ayon sa Pangulo, kailangan mapanatili ang kalusugan ng ating mamamayan upang magkaroon ng kaunlaran sa bansa.

Sinabi naman ni Labor Secretary Bienvennido Laguesma na lilikha ng de-kalidad, renumerative at sustainable employment opportunities sa pamamagitan ng isang labor at employment plan na kanyang ibabahagi sa cabinet meeting.

Ito ay sa tulong ng social partners, labor representatives at employers representatives.

Pagtitiyak din ng iba pang ahensya na magpapatuloy ang mga programa para makatulong sa mga mahihirap gaya ng livelihood assistance para sa mga umuuwing overseas Filipino workers.

Bukod dito, mayroon ding libreng matrikula sa mga state colleges at unibersidad at skills training.

Para mabawasan naman ang administrative work ng mga guro ay maglalabas ng interim guidelines ang DepEd kung saan itatalaga ito sa mga non-teaching personnel. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleTambay tinodas sa bala
Next articleMayor Mamay, nagpaliwanag sa pagbida ni Jeric sa biopic!