Home METRO Prinsipal pinagtataga sa Brigada Eskwela

Prinsipal pinagtataga sa Brigada Eskwela

277
0

ZAMBOAGA Sibugay – Pinagtataga ang isang prinsipal ng paaralan nitong Sabado ng umaga sa gitna ng mga aktibidad ng Brigada Eskwela sa bayan ng Ipil.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, nagalit ang 73-anyos na suspek nang matuklasan niyang hindi siya makadaan sa paaralan, isang rutang dinadaanan niya araw-araw para makarating sa kanyang tahanan.

Hindi siya pinayagan ng prinsipal na dumaan sa paaralan at iminungkahi na dumaan na lang sa ibang ruta.

Dito na nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa na nauwi sa pananaga ng suspek.

Nagtamo ng mga sugat sa ulo at tiyan ang 46-anyos na biktima ngunit nasa stable na kondisyon.

Agad na pinigil ng mga volunteer ng Brigada Eskwela ang suspek.

Sinabi ng suspek na hindi siya nirerespeto ng biktima ngunit pinagsisisihan niya ang kanyang ginawa at gusto niyang humingi ng tawad dito. RNT

Previous article#WalangPasok sa hagupit ni Goring
Next article19M mag-aaral sa pampublikong iskul balik-eskwela na!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here