Home ENTERTAINMENT Priscilla na-appreciate ang pag-reach out ni Janice!

Priscilla na-appreciate ang pag-reach out ni Janice!

Manila, Philippines- Ayon sa Brazilian model at beauty queen na si Priscilla Meirelles, close raw siya sa mga anak ni John Estrada kay Janice de Belen.

Katunayan, “ate” raw ang tawag ng mga ito sa kanya.

Malaking factor din daw na hindi naman malayo ang agwat ng edad niya sa mga anak ng mister.

Aniya, very sweet daw ang mga ito na lagi siyang dinadamayan sa panahon ng pagsubok.

Ito rin daw ang rason kaya napamahal na sa kanya ang mga supling nina John at Janice.

Ito ay inamin niya nang makapanayam siya ni Boy Abunda sa Fast Talk.

“I’m very close with the kids. I’ve seen them growing up. So and then, ‘yung tawag nila sa akin ‘ate.’ Kasi medyo hindi malayo yung age gap [namin],” ani Priscilla.

“And they’re very sweet. Every time I go to trials, they’re always there for me. They reach out and I appreciate that… Very much.

“And they know, no matter what, whenever they need, I’m just a phone call away, a text away, I’ll be there for them,” dugtong pa niya.

Hindi naman niya ikinaila na never silang naging close ni Janice, ang ex ng esposo.

Pero na-appreciate raw niya ang gesture ng pagre-reach out nito sa kanya noong panahong dumaraan siya sa pagsubok last year na hindi naman niya in-elaborate.

Nilinaw din niya na hindi siya ang maituturing na third party sa hiwalayan ng mag-ex.

Noon daw kasing nagkahiwalay ang dalawa ay wala na si John sa buhay ni Janice.

In other words, pumasok lang daw siya sa eksena noong nagkanya-kanya na ang dating mag-asawa. Archie Liao