Privacy settings ng Google, hinigpitan para sa bagong users

Privacy settings ng Google, hinigpitan para sa bagong users

June 26, 2020 @ 8:40 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

US – Sinimulan ng Google ang auto-deleting sa search data at location history ng mga bagong user sa 18-month basis, ayon sa anunsyo ni CEO Sundar Pichai, sa paghihigpit ng privacy settings ng naturang tech giants.

Ipinakilala ang tweak na ito nitong Miyerkoles, at pinakahuling attempt ng isang malaking online firm na palakasin ang tiwala ng publiko makaraang ipatupad ang malalaking multa laban sa Facebook at Google para sa privacy violations sa mga nakalipas na taon.

“We believe that products should keep your information for only as long as it’s useful and helpful to you,” ayon kay Pichai sa isang blog post, at sinabing idinisenyo ang mga pagbabago “(to) keep less data by default.”

Sa paggawa ng bagong Google account, “your activity data will be automatically and continuously deleted after 18 months, rather than kept until you choose to delete it,” paliwanag nito.

Maaari nang i-auto-delete ng mga kasalukuyang user ang kanilang data kada tatlo o 18 buwan.

Ayon kay Pinchai, na siya ring pinuno ng parent company ng Google na Alphabet, “privacy is at the heart of everything we do” in his blog post.

Idinetalye nitong kabilang sa iba pang pagbabago ang mas madaling access sa privacy settings sa loob ng mga app at mas secure na “incognito” mode.

Dagdag pa niya, awtomatiko ring mabubura ang search data ng mga bagong user ng YouTube matapos ang 36 na buwan. Ulat mula sa Agence France-Presse

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...