Home NATIONWIDE Private schools ‘di mandatoryong magpalit ng school calendar

Private schools ‘di mandatoryong magpalit ng school calendar

MANILA, Philippines- Malaya ang mga pribadong eskwelahan na i-adjust ang kanilang academic calendars at sumabay sa pampublikong paaralan para sa unti-unting pagbabalik ng June-March school year.

Ito ang nilinaw ni Department of Education (DepEd) Assistant Secretary Francis Bringas kasunod ng pagpapalabas ng Department Order No.003 na nagtakda ng pagtatapos ng school year 2023-2024 para sa public schools ng mas maaga kaysa sa May 31, 2024.

Ito ay para sa unti-unting pagbabalik ng lumang school calendar na ang April-May ay summer vacation.

Winika ni Bringas na may ilang pribadong eskwelahan ang nagbukas ng kasalukuyang academic year na Hulyo o Hunyo noong nakaraang taon, subalit ilan ang sumabay sa pagbubukas ng school opening ng public schools sa Agosto.

“‘Yung mga private schools na sumabay sa public schools na nag-open ng August, hindi naman sila mandatory na mag-adjust ng kanila school calendars. They still have the option to maintain their approved calendar or adjust accordingly,” ayon kay Bringas sa public briefing. Kris Jose

Previous articleEnvironmentalists: ‘Surveillance’ ng gov’t patuloy pa rin sa kabila ng SC protection order
Next articlePNP walang impormasyon sa banta sa buhay ni Quiboloy