Home NATIONWIDE Private schools magsasara sa total ban sa “No Permit, No Exam” policy

Private schools magsasara sa total ban sa “No Permit, No Exam” policy

275
0

MANILA, Philippines – NANGANGAMBA ang Coordinating Council of Private Educational Associations o COCOPEA na maraming pribadong paaralan ang magsasara sa panukalang total ban sa “No permit, no Exam” policy.

Ayon kay COCOPEA spokesperson Atty. Kristine Carmina Manaog na maraming pribadong paaralan ang magsasara ng operasyon kapag naisabatas ang House Bill No. 7584 at Senate Bill No. 1359 o total ban ng ‘No Permit, No Exam Policy’ kaya isaalang-alang sana umano ng mga mambabatas ang kapakanan ng mga pribadong paaralan at estudyante upang makamit ang dekalidad na edukasyon.

Tinukoy ni Manaog na sa pinakabagong pag-aaral ng COCOPEA sa 27 pribadong paaralan, aabot lamang sa hanggang pitong buwan ang pondo ng private school administrators upang mapatakbo ang kanilang mga paaralan.

Ipinaliwanag ng tagapagsalita ng COCOPEA na kapag naipatupad ito ay aabot na lamang ng dalawang buwan ang pondo ng private schools upang maayos na mapatakbo ang kanilang mga paaralan.

Advertisement

“Sa long term nakakaapekto dahil hindi kaya, if walang regular na pumapasok na pera or funds sa private schools maapektuhan ang quality nito and eventually baka talagang magsara,” paglilinaw ni ni Manaog sa Radio Veritas.

Tiniyak niya na kahit umiiral ang “No Permit, No Exam policy” ay nagbibigay pa rin ang mga private school ng pagkakataon sa mga estudyante na magbigay ng ‘promissory note’ upang pahintulutang makapagsulit.

“Yung talagang hindi pinapayagang hindi mag-exam na students is very rare and last resort nalang kung talagang very delinquent yung student or parents, but yung kadalasang practice naman talaga is pinapag-exam or pinapayagang mag-exam basta may promissory note,” bahagi pa ng panayam kay Manaog. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleIba pang suspek sa Degamo killing, bumaligtad na rin
Next article78.9M Pinoy rehistrado na sa National ID

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here