Home METRO Private tutor pinatay sa saksak, itinapon sa ilog

Private tutor pinatay sa saksak, itinapon sa ilog

MANILA, Philippines – DUGUAN at wala nang buhay nang matagpuan sa madamong lugar sa ilog ang bangkay ng isang private tutor sa Sitio Sulok, Barangay Tipaz, San Juan Batangas.

Ang biktimang nasawi na nagtamo ng mga saksak sa gawing bahagi ng likuran nito ay kinilalang si Arcel 44, private tutor na natagpuan umano ng kanyang kapatid na si Ronald Regio dakong alas-12:00 ng tanghali na duguang nakahandusay sa nabanggit na lugar.

Base sa report ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima matapos na umalis ito ng bahay kasama ang isang lalaki at hindi na bumalik pa ng kanilang bahay.

Napagalaman na, dahil sa pag-aalala ng pamilya ng biktima ay kaagad na ipinagbigay-alam sa kanilang barangay ang insidente.

Tinulungang hanapin ang biktima at natagpuan ang bangkay nito sa madamong lugar sa ilog.

Nabatid sa ulat na natagpuan din sa nasabing lugar ang nagkalat na mga dugo, kitchen knife at icepick na hinihinalang ginamit ng hindi nakikilalang suspek sa pagpaslang sa biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng San Juan Municipal Police Station para matukoy ang mga suspek sa krimen. Ellen Apostol

Previous articleP5M marijuana nasabat sa checkpoint
Next article622K Pinoy namasyal sa Japan – JNTO