Home NATIONWIDE ‘Pro-China narratives’ ng ilang Pinoy, ibinunyag ng PCG

‘Pro-China narratives’ ng ilang Pinoy, ibinunyag ng PCG

MANILA, Philippines- Nagbabala ang Philippine Coast Guard (PCG) laban sa “pro-China narratives” na ikinakalat ng ilang grupo upang mailihis ang atensyon sa pananalakay ng Beijing sa West Philippine Sea.

Inilahad ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea Jay Tarriela ang tatlong “claims, arguments and accusations” na ginagamit ng mga indibidwal na nagsasabing maka-Filipino “habang nagpo-promote ng Chinese narratives at sumasalungat pa sa factual reports mula sa Philippine authorities.”

Aniya, ang unang pahayag ay ang pagsasalita laban sa pananalakay ng China sa West Philippine Sea ay magdadala sa bansa sa digmaan.

Pangalawang argumento aniya na ginamit ng pro-China individuals ay ang Philippine transparency sa Chinese agression sa West Philippines na naimpluwensyahan lamang umano ng United States.

Sinabi ni Tarriela na ang mga pagsisikap ng gobyerno ng Pilipinas sa transparency “ay hinihimok ng ating sariling pambansang interes – ang proteksyon ng mga karapatang maritime ng Pilipinas.”

Panghuli, ani Tarriela ay ang mga maka-China na indibidwal ay inaakusahan ang mga tumutuligsa sa China bilang “anti-Filipino at maka-US.”

Iginiit ni Tarriela na ang mga eksperto at opisyal ng gobyerno na kritikal sa mga aksyon ng China sa West Philippine Sea ay itinutulak ng kanilang dedikasyon sa Pilipinas.

Nauna nang sinabi ng National Security Council na sinusubaybayan nito ang mga influencer at grupo na may posibilidad na umaayon sa China sa West Philippine Sea. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleAll systems go for the 60th OSEAL Forum in Manila in Nov. 2-5
Next articleP9M pekeng LEGO products nasabat ng NBI