Home NATIONWIDE Pro-gambling online content isinusulong na ipagbawal

Pro-gambling online content isinusulong na ipagbawal

MANILA, Philippines – Inihain sa Senado ang panukalang pagbabawal sa pagpopromote ng gambling activities online.

“Considering the evolving landscape of social media platforms, this representation has been apprised of the availability of online user-generated content relating to gambling that demonstrates, promotes, and provides instructions on betting or staking to the general public,” ayon kay Senator Robin Padilla sa inihain niyang Senate Bill 2602.

“In this regard, this representation proposes the prohibition of online publication of materials that instruct or demonstrate gambling, commentaries, and advertisements that promote awareness of gambling activities,” dagdag pa ni Padilla na nangunguna sa Senate committee on public information and mass media.

Anang mambabatas, ang proposed legislation ay layong bawasan o tuluyang alisin ang exposure at impact ng sugal sa publiko, lalo na sa mga kabataan na may masamang epekto umano sa mga indibidwal, pamilya at komunidad.

Sinabi rin ni Padilla ang kaugnayan ng gambling sa adiksyon, criminal activities at social issues.

Sa ilalim ng Section 4 ng SB 2602, aatasan ang Department of Justice (DOJ) na i-restrict o i-block ang access sa gambling-related content with notice sa Department of Information and Communications at National Telecommunications Commission para i-monitor ang compliance.

Inaatasan din nito ang service providers na sumunod sa pagbabawal sa loob ng 48 oras matapos ang paglalabas ng DOJ ng kautusan.

Ang sinumang mapag-aalaman na naglalabas ng gambling-related content ay mahaharap sa anim na buwan hanggang isang taong pagkakulong at multa na mula P300,000 hanggang P500,000.

Kung ang lumabag ay nag-link pa ng kanyang online content sa isang online gambling site o nakakatanggap ng anumang kabayaran o komisyon sa paglalathala ng gambling-related online content, ipapataw ang maximum penalty na tatlong taong pagkabilanggo at multang P500,000. RNT/JGC

Previous article2 tiklo sa P6.8M shabu sa QC
Next articleLalaki patay sa onsehan sa droga