Home OPINION PRO3 NEW ANTI-CRIMINALITY STRATEGY

PRO3 NEW ANTI-CRIMINALITY STRATEGY

NAGLUNSAD ang pamunuan ni  Police Regional Office 3  director P/BGen Jose ‘Daboy’ Hidalgo, Jr.  ng isa na namang anti-criminality scheme na tiyak na magiging sakit ng ulo ng mga kriminal sa Central Luzon.

Tinawag na ‘quick dial, quick response initiative to combat criminality”,  ito ang pinakabago sa  ilang matagumpay na anti-criminality strategy na pinaiiral ng pulisya sa anim na probinsya na nakasasakop ng Gitnang Luzon.

Tulad ng mga nakaraang anti-criminality strategy na subok at naging matagumpay, gamit ang modernong kagamitang cellphones, tawag lang o alarma sa mga himpilan ng pulisya sa PRO3 ay kaagad kikilos, reresponde ang ‘police force’ sa rehiyon.

Bukod  sa mga residente, pangunahing target ng anti-criminality scheme na ito na mailayo ang mga  business establishment at  mailigtas sa mga masasamang nilalang, lalo na sa mga holdaper o robbery syndicate.

Ang PRO3 ay may data base ng milyong bilang ng cellphones ng mga mamamayan, ganon din sa mga negosyo kaya alarma lang o tawag ay kaagad reresponde sa lugar sa loob ng ilang minuto matapos makarating ang tawag o alarma.

Napaka-importante ang bilis nang pagkilos ng pulisya para respondehan ang nagaganap na krimen at  ang bagong anti-criminality strategy ang nakikita nating sagot para  mapigilan o hindi maisakatuparan ang gagawing krimen ng mga masasamang loob.

Tinawag na arkitekto sa tinatamasang katahimikan sa Region 3, si Hidalgo ang nasa likod ng proyekto’t programa na ikinalugod ng mga lider at mamamayan sa Gitnang Luzon.

Kabilang sa mga ito ay ang ‘Rektang Tawag’ ng mamamayan, Adopt a Station Concept through COP Mentorship kasama ang OPLAN PAYO (Professional Advisers to Young Officers).

Sa ‘Rektang Tawag’, ang milyong bilang ng mga residente, gamit ang sariling cellphones ay malaya’t mabilis ang ugnayan sa kapulisan kaya bumaba ang kriminalidad ng mahigit 50 porsiyento.

Malaki ang ginagampanan ng Philippine National Police sa pagpapanatili ng katahimikan sa komunidad pero ika nga – kailangan lang maging mayaman ang kaisipan ng mga pinuno nito sa pagbalangkas ng anti-criminality strategies para magampanan ng PNP ang mandato, tulad ng kasalukuyang PRO3 commander.

Previous articleKONGRESO, PUNTIRYA SI QUIBOLOY
Next articleSINO ANG MAKIKINABANG?