Home NATIONWIDE Probisyon ng anti-political dynasty sa SK law, pinaaalis ng solon

Probisyon ng anti-political dynasty sa SK law, pinaaalis ng solon

MANILA, Philippines – Naghain ng panukala si San Jose del Monte, Bulacan Rep. Florida Robes na nag-aalis sa anti-political dynasty provision sa Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015.

Layon ng House Bill 9273 na alisin ang pagbabawal sa SK candidates na tumakbo sa politika na may kaanak na nasa pwesto rin nang hanggang second civil degree.

“Unfortunately, the aforesaid provision is discriminatory and prejudicial against well abled SK candidates who possess leadership qualities and are distinctively competent in the formulation and implementation of youth programs merely because of their family lineages,” sinabi ni Robes sa kanyang explanatory note.

Layon din ng kaparehong panukala na amyendahan ang form na ginagamit ng Commission on Elections (Comelec) sa paghahain ng certificates of candidacy na alisin na ang pangangailangang i-deklara ng kandidato na wala silang kaanak na politiko.

Kung maaprubahan, ipatutupad ang pag-amyenda sa susunod na halalan.

Ipinagbabawal sa 1987 Constitution ang political dynasties ngunit hindi pa nagpapasa ang Kongreso ng implementing law para rito, hanggang sa maipasa ang Sangguniang Kabataan Reform Act. Dahil dito, SK system lamang ang sakop ng pagbabawal. RNT/JGC

Previous articleUtol ni Michelle, papasukin ang showbiz, naghahanap ng manager!
Next articleSenglot balik-selda sa pagpapaputok ng baril