Problema bubungad sa Tokyo Olympics sa July 2021

Problema bubungad sa Tokyo Olympics sa July 2021

May 24, 2020 @ 11:06 AM 4 days ago

  •  
  •  
  •  
Share

TOKYO – Nahaharap umano sa mas malaking problema ang pagpapaliban ng 2020 Tokyo Games dahil kahit umano  may vaccine na ay hindi rin nito masisiguro na mapipigilan ang banta ng coronavirus.

Ayon kay John Coates, International Olympic Committee’s pointman sa Tokyo 2020, magsisimulang magdesisyon ang mga opisyal sa Oktubre kung paano matutuloy ang pandemic-hit Games sa July 2021.

Malinaw na sinabi ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe na hindi na pwedeng ma-delay ang Tokyo Olympics sa pangalawang pagkakataon.

“We can’t postpone it again and we have to assume that there won’t be a vaccine or, if there is a vaccine, it won’t be sufficient to share around the world,” wika nito.

Kung walang kasiguraduhan na lahat ay mabibigyan ng vaccine, nahaharap sa malaking pagsubok ang Tokyo Olympics kung paano nito sisiguruhin na walang sakit ang daang-libong katao na nagmula pa sa iba’t ibang sulok ng mundo na manonood at lalahok sa palaro.

“We’ve got real problems because we’ve got athletes having to come from 206 different nations,” ani Coates.

“We’ve got 11,000 athletes coming, 5,000 technical officials and coaches, 20,000 media, we’ve got 4,000 working on the organising committee there at the moment, there will be 60,000 volunteers coming,” dagdag pa nito.”There’s a lot of people.”

Sinabi pa ni Coates na kung may senyales na napigilan na ang pandemic kahit hindi pa ito nawala ng husto sa Oktubre, maaaring magdesisyon ang mga opisyal kung kailan talaga itutuloy o ganapin ang palaro. Rico Navarro

Share

Leave a Reply

Loading...