Home NATIONWIDE Problema sa kuryente sa Palawan tatalupan ng Kamara

Problema sa kuryente sa Palawan tatalupan ng Kamara

MANILA, Philippines – Isang House Resolution ang inihain mismo ni House Speaker Martin Romualdez na naglalayong magsagawa ng imbestigasyon sa malaking problema sa supply at mataas na presyo ng kuryente sa Palawan.

Sa House Resolution 1544 ay inatasan ni Romualdez ang House Committee on Energy na syang manguna sa imbestigasyon sa sitwasyon ng  Palawan Electric Cooperative (PALECO).

Ilan isyu na pinatututukan sa imbestigasyon ay ang mataas na power rates, low energization levels at mahinantlg power distribution.

“The dire situation in Palawan dampens our enthusiasm over the directives of President Ferdinand Marcos Jr. to provide the people with low power rates and increase energization targets nationwide by 95 percent in 2025. I hope that with this probe, we can find a solution for all stakeholders in Palawan, especially our citizens,”nakasaad sa resolusyon.

Ang pagtaas ng singil sa kuryente ay inaangal ng mga residente matapos ang  Emergency Power Supply Agreement (EPSA) ng PALECO sa Delta P, Inc.

Sinabi ni Romualdez na sa pamamagitan ng gagawing House Inquiry ay agad na mabibigyang.linaw ang isyu.

“What is important is we address all matters at the soonest possible time to unburden Palaweños of the power woes of PALECO. Hindi po nila ito kasalanan pero sila po ang nagdudusa sa malaking binabayaran sa kuryente,” ani Romualdez.

Maliban sa pagtugon sa reklamo ng mga residente ay susuriin din kung ano ang pinagmumulan ng problema ng PALECO.

“We will also look for ways to help PALECO address its shortcomings and reduce its deficiencies. The sooner we resolve its problems, the sooner we get Palaweños out of this dire situation. As I have said, we aim to help all stakeholders in Palawan, and that includes PALECO,”pagtatapos pa ni Romualdez. Gail Mendoza

Previous article4 BI lawyer na sangkot sa pag-isyu ng work visa sa fake firms, sibak!
Next articleManila PESO Mega Job Fair dinagsa